^

Metro

Wanted na taxi driver nadakip

-

Nadakip kahapon ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang taxi driver na   kumaladkad at nanakit sa isang babaeng estudyante na naging pasahero nito kama­kailan.

Positibong itinuro ng bik­timang estudyante ng Univer­sity of Santo Tomas ang sus­pek na si Primitivo Sarmiento na siyang driver ng sinakyan niyang taxi noong madaling-araw ng Nobyembre 22.

Sinabi ni Supt. Antonio Yarra ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit na naaresto si Sarmiento habang ipinaparada nito ang taxi sa garahe ng operator nito sa Brgy. Ugong, Valen­zuela City kahapon ng umaga.

Mariing pinabulaanan ni Sarmiento ang akusasyon sa pagsasabing hindi niya sina­sadya ang pangyayari at hindi niya alam na nasa loob pa ng taxi ang isang bahagi ng kata­wan ng biktima nang pa­andarin niya ang sa­ sakyan.

Inireklamo ng estudyante na pagdating niya sa kanilang bahay sa Sta. Mesa Heights, Quezon City pagkagaling sa UST lulan ng naturang taxi, iniabot niya kay Sarmiento ang isang buong P1,000 para ma­ bayaran niya ang pasahe rito.

Pero nagtalo ang estud­yante at si Sarmiento nang humingi ang una ng sukli. Iginiit ng driver na P60 lang ang ibinigay sa kanya ng bik­tima pero ipinipilit ng huli na P1,000 ang iniabot nito sa suspek.

Nang tumawag ng tulong ang ina ng biktima dahil hindi pa bumababa sa sasakyan ang kanyang anak, pinaandar ni Sarmiento ang taxi kahit nasa loob pa nito ang biktima. Pagdating sa Retiro St.,   binuk­san ng biktima ang pinto ng taxi at nagtangkang tu­malon pero hinawakan ng driver ang kanyang braso kahit nasa labas na ang ka­lahati ng kanyang katawan. Pinawalan kinalaunan ng driver ang bik­tima na dahilan para ito ma­hulog sa kalsada. (Reinir Padua)

vuukle comment

ANTONIO YARRA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MESA HEIGHTS

PRIMITIVO SARMIENTO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REINIR PADUA

SARMIENTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with