^

Metro

Pangarap na maging pulis mauudlot

-

Sanhi ng kalanguan sa alak ay malamang na hindi na matutuloy sa pagiging pulis ng isang graduating student ng kursong criminology ma­tapos itong magyabang at ba­rilin ang kanyang kainuman ka­ma­kalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Nakakulong ngayon ang suspek na ni Manuel Dacillo Jr., 21, ng #1545 Santan St., Ana A, Brgy. 175, Camarin ng nabanggit na lungsod at nahaharap sa kasong frus­trated murder at kasong pag­labag sa illegal pos­session of firearm.

Masuwerte namang hindi man lang nagalusan ang bik­tima na kinilalang si Elias Real, 42, welder at residente ng Doña Ana Extension, Bicol Area 2, Brgy. 175, Camarin.

Sa ulat ni PO1 Rhostom Ocampo, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima habang masarap na nag-iinuman ang mga ito kasama ang isang kaibigan.

Sa kasarapan ng kanilang inuman ay bigla na lamang nagkasagutan ang biktima at ang suspek dahil sa pagya­yabang nito sa kanyang na­tapos na kursong criminology at ang nalalapit na pagiging pulis nito.

Dito ay bigla na lamang nagsiklab ang galit ng suspek na si Dacillo at binunot ang dalang kalibre .38 baril at walang sabi-sabing ipinutok sa harap ni Real na dahil na rin sa sobrang kalasingan ay hindi ito tumama.

Dahilan nito ay nagpam­buno ang dalawa sa pag-aagawan sa baril at sa tulong ng isang kaibigang si Arthur Birara ay agad na naaresto ang lasing na suspek at ma­kuha dito ang armas na ginamit. (Lordeth Bonilla)

ANA A

ANA EXTENSION

ARTHUR BIRARA

BICOL AREA

BRGY

ELIAS REAL

LORDETH BONILLA

MANUEL DACILLO JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with