Karnabal sinalakay
Sinalakay ng mga tauhan ng City Hall Detachment ang isang mini carnival na ginagamit bilang front ng illegal na sugal na kinahuhumalingan ng mga menor de edad kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Anim na katao, kabilang ang operator ng illegal na sugal, ang dinakip ng mga tauhan ni Chief Insp. Jose Anaz, hepe ng City Hall Detachment, makaraang magsumbong sa kanilang tanggapan ang mga magulang ng mga kabataang nahuhumaling sa pagsusugal sa itinayong mini carnival sa bakanteng lote sa Kalayaan Road, Barangay Merville ng walang kaukulang permiso sa city hall.
Kabilang sa mga dinakip ng pulisya sina Zenaida Buenaventura, 62, operator ng color games; Carl Di masuya, 20; Nonilito Caratay, 31; Nemerson Bartolome, 21, bingo operator; Richard Cabal, 21; at Christian Pavia, 18, na pawang mga tauhan ng mga illegal na sugalan sa naturang peryahan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending