Ligtas na Pasko sa QC inutos

Inatasan kamakailan ni Quezon City Mayor Feli­ciano Belmonte ang Que­zon City Police District at ang Department of Public Order and Safety na mag­tulungan sa paglalatag ng isang contingency plan para matiyak na mapa­yapa at ligas ang Kapas­kuhan sa lungsod.

Ginawa ng alkalde ang utos kasunod ng report ni QCPD Director Supt. Mag­tanggol Gatdula na mag­pa­­pakalat ito ng 2,000 pulis sa mga lansangan at shopping mall para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamimili sa panahong ito.

Sinabi pa ni Gatdula na magtatalaga sila ng mga pulis na magba­ ban­tay sa mga simbahan ka­sabay ng Simbang Gabi.

Show comments