Ligtas na Pasko sa QC inutos
Inatasan kamakailan ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang Quezon City Police District at ang Department of Public Order and Safety na magtulungan sa paglalatag ng isang contingency plan para matiyak na mapayapa at ligas ang Kapaskuhan sa lungsod.
Ginawa ng alkalde ang utos kasunod ng report ni QCPD Director Supt. Magtanggol Gatdula na magpapakalat ito ng 2,000 pulis sa mga lansangan at shopping mall para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamimili sa panahong ito.
Sinabi pa ni Gatdula na magtatalaga sila ng mga pulis na magba bantay sa mga simbahan kasabay ng Simbang Gabi.
- Latest
- Trending