^

Metro

Ospital inireklamo sa patay na buntis

- Edwin Balasa -

Dahil sa kapabayaan umano ng mga doktor sa isang pampublikong os­pital, nasawi ang isang 20-anyos na babae ma­tapos na hindi umano agad inalis ang patay na sanggol na nasa loob ng sinapupunan nito kaha­pon sa Marikina City.

Ito ang alegasyon ng mga kaanak ng na­sa­wing biktimang si Rosalie Delos Santos 20, resi­dente ng Blk 8 Lot 18 Phase 1 Balubad Re­settlement Site, Brgy. Nangka ng nasabing lungsod, sa kanilang ginawang reklamo sa Marikina Police laban sa doktor at pamunuan ng Amang Rodriguez Medi­cal Center dakong alas- 11:30 ng umaga kahapon o isang oras pagkamatay ng ginang na biktima.

Base sa reklamo ng mga kaanak ni Delos Santos, pinabayaan umano ng mga tuminging doktor ang biktima da­hilan upang mamatay ito sa inpeksyon.

“Alam na po nilang patay na yung baby, hindi pa nila inoperahan para mailigtas si Rosalie. Hi­na­yaan pa nilang mama­tay din,” saad ng mga ka­anak.

Dinala ang biktima sa nasabing pagamutan dakong alas-6 ng gabi ng Biyernes upang ipa-check-up.

Lumitaw sa ultra­sound na patay na ang sanggol sa sinapupunan ni Rosalie kaya agad siyang ipina-confine su­balit wala umanong isina­gawang operasyon para maalis ang patay na sanggol sa loob ng tiyan nito dahilan umano ng pagka-inpeksyon na iki­nasawi nito.

Sinabi naman ni ARMC Director Dr. Ri­cardo Lustre na “seizure” ang ikinamatay ng biktima.

Idinagdag niya na hindi agad mabigyan ng medical treatment ang pasyente dahil mayroon itong pneumonia at high blood kaya kinailangan pa ng mga doktor na mag­hintay na umayos ang lagay nito bago suma­ilalim sa anumang paggagamot.

“Hospital usually do spontaneous delivery, induced delivery or Ceazarian operation if the baby in the womb is dead but doctors can’t do it because of their finding that the victim has severe eclamtic (high­blood) namamaga pa ang paa at maraming na-diagnosed sa kanya which allegedly would be risky,” paliwanag ni Lustre base sa kanyang panayam sa mga sumu­ring doktor na tumingin sa biktima.

Subalit nangako ito na magsasagawa ng ma­susing imbestigasyon at kung nagkaroon ng pag­ku­kulang sa panig ng ospital ay hindi siya na­ngi­ngiming kasuhan ang mga dapat kasuhan.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDI

BALUBAD RE

DELOS SANTOS

DR. RI

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

ROSALIE

ROSALIE DELOS SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with