^

Metro

1 pa grinipuhan, todas

-

Isang 60 anyos na lolong tsuper ng taxi ang hinoldap hanggang sa pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Valen­zuela City.

Nagtamo ng maraming saksak sa mukha at katawan ang biktimang si Rudy Cuenca.

Sa ulat ni PO3 Ronald Subosa, may hawak ng kaso, dakong alas-9:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Consolacion Street, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ng mga residente ng naturang lugar, nakita nilang nahulog sa kanal ang minamanehong taxi ng biktima na may pangalang Mer-Jun at plakang PWV-730.

Nilapitan nila ang taxi para tulungan ang driver na maiahon ang sasakyan kung saan naman ay agarang bumaba ang suspek para tumakas.

Nang silipin ng mga residente ang loob ng taxi ay nakita nilang nakasub­sob ang biktima sa mismong driver seat na naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

Mabilis na hinabol ng mga residente ang tumakas na suspek subalit hindi na nila inabutan. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY MALINTA

BATAY

CONSOLACION STREET

ISANG

LORDETH BONILLA

MABILIS

MER-JUN

NAGTAMO

RONALD SUBOSA

RUDY CUENCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with