^

Metro

Sheriff ng DOLE kinasuhan sa kikil

-

Isinulong na sa Ma­nila Regional Trial Court (RTC) ang kasong kati­walian laban sa isang sheriff ng Depart­ment of Labor and Em­ployment (DOLE) na humingi ng ‘lagay’ ma­tapos manalo sa labor case ang isang par­tido noong nakalipas na taon.

Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isi­nampa sa Manila RTC ni As­sistant City Prose­cutor Lani M. Ramos ma­tapos makakita ng pro­bable cause laban kay Jacinto O. Ruiz, 57, ng Gen. Trias, Cavite.

Inirekomenda ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Ruiz. Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng bikti­mang si Leonardo C. Can­dida ng Sta. Quiteria, Caloocan City nang hi­ngan ito ni Ruiz ng salapi noong Ok­tubre 2006.

Si Ruiz umano ang may hawak sa imple­men­­tasyon ng writ of execu­tion na inisyu ng DOLE at hinimok siya na magbigay ng P10,000 kapalit ng pagsasali sa mga ari-arian ng natalong kom­panya sa inisyung writ. (Ludy Bermudo)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CALOOCAN CITY

CITY PROSE

JACINTO O

LABOR AND EM

LANI M

LEONARDO C

LUDY BERMUDO

REGIONAL TRIAL COURT

RUIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with