^

Metro

Lubak sa kalsada sinisi sa aksidente

-

Isang malalim na lubak sa kalsada ang dahilan ng maraming aksidente kung saan pinakahuling malubhang nasaktan ang isang driver ng motorsiklo matapos na mabangga ng isang taxi nang kumabig sa kabilang lane ng kalsada kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hinihinalang bali ang buto ni Mario Navarette, driver ng isang Honda Wave type na motorsiklo. Isinugod ito sa pagamutan ng mga tauhan ng Quezon City Rescue Unit. Sumuko naman sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit ang driver ng R & E taxi na si Arnulfo Malibas na umamin naman sa kanyang kasalanan.

Naganap ang aksidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng D. Tuazon Avenue malapit sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City. Sinabi ni Malibas na umiwas siya sa napakalalim na lubak sa kanyang lane at lumipat sa kabila kung saan kasa­lubong naman nito ang isang motorsiklo.

Sinabi ni Malibas na hindi na siya nagawang maka­iwas dahil sa sobrang bilis ng dating ng motor­siklo na sumalpok sa windshield ng taxi. Tumalsik naman ng ilang metro si Navarette na nakaligtas sa kamatayan dahil sa suot nitong helmet.

Ayon sa mga barangay tanod sa lugar, napaka­rami nang motorista karamihan ay mga motorsiklo ang naaaksidente sa naturang lubak. (Danilo Garcia)

ARNULFO MALIBAS

DANILO GARCIA

HONDA WAVE

MALIBAS

MARIO NAVARETTE

QUEZON CITY

QUEZON CITY DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

QUEZON CITY RESCUE UNIT

RODRIGUEZ AVENUE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with