^

Metro

12-taon sa killer ni Mama Elay Formaran

-

Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng 12 taong pagkabilanggo ang isang dating fast food crew member na kinasuhan sa pagpatay sa isang entertainment writer at PR man ni Vice President Noli de Castro noong 2004.

Sa 16-pahinang desisyon, napatunayan ni QCRTC Branch 76 Presiding Judge Alexander Balut na ang akusa­dong si Eric Alba, dating fast food crew member ay nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong homicide.

Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad din si Alba ng halagang P50,000 sa kaanak ni Formaran dahil sa pagkamatay nito at dagdag na P50,000 bilang moral damages.

Naibaba ni Judge Balut sa homicide ang kasong murder na unang isinampa kay Alba dahil bigo ang pro­se­kusyon na maipakita na may qualifying circumstance ang pagpatay sa publicist na si Eli “Mama Elay” Formaran.

Gayunman, pinawalang-sala ng korte si Alba sa kasong pagnanakaw makaraang mabigo ang prose­kusyon na mapatunayan na ninakaw ng akusado ang cellphone na Sony Ericsson T610 mula sa biktima.

Sa rekord ng korte, si Formaran ay natagpuang patay na may tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sa loob ng kanyang condominium sa #11, Unit 4, Golon­drina Condominium, Castilla St., Bgy. Valencia, Cubao, Quezon City noong madaling-araw ng May 26, 2004.

Sinasabing noong gabi bago nadiskubre ang krimen, inimbitahan ng biktima ang akusado na maghapunan sa kanyang bahay at tuloy bibigyan nito ng trabaho. (Angie dela Cruz)

CASTILLA ST.

ERIC ALBA

FORMARAN

JUDGE BALUT

MAMA ELAY

PRESIDING JUDGE ALEXANDER BALUT

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SONY ERICSSON

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with