^

Metro

Wanted na Hapones, timbog ng BI

-

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 64-anyos na Japanese busi­nessman na dating as­semblyman sa Osaka, Japan na wanted sa ka­nilang bansa dahil sa hindi nito pagbabayad ng buwis na 250 milyon yen. Kinilala ni BI commissioner Mar­ce­lino Libanan ang suspek na si Masumi Ogawa. Na­aresto si Ogawa kama­kalawa sa Mandarin Hotel, Makati City kung saan ito pan­samantalang nanunu­luyan matapos ang halos isang linggong surveil­lance. Umaabot sa 700 million yen ang kinikita ni Ogawa mula sa kanyang real estate busi­ness subalit hindi nito idini­deklara nang tama sa kan­yang buwis.

Base sa record ng BI du­ma­ting sa bansa ang Hapon noong Nob. 18 kung saan dala­wang pasa­porte ang hawak nito, isa rito ay peke na may pa­ngalang Hideku Tatsuni. (Gemma Garcia at Rose Tesoro)

BUREAU OF IMMIGRATION

GEMMA GARCIA

HAPON

HIDEKU TATSUNI

MAKATI CITY

MANDARIN HOTEL

MASUMI OGAWA

OGAWA

ROSE TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with