Babaeng engineer patay sa ambush

Nasawi ang isang 43-anyos na inhinyera maka­raang tambangan ng mga hinihinalang propesyunal na hitman ang kanyang sinasakyang van, kamaka­lawa ng gabi sa Old Balara, Quezon City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Marianita Dizon, isang civil engineer at may-ari ng CPS En­gineering Company, ng Brgy. Plainview, Mandalu­yong City. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at katawan sanhi ng agad na kamatayan.

Sugatan naman mata­pos na madaplisan ng bala sa magkabilang balikat ang staff ni Dizon na si Leyne Gendram, 27, isa ring civil engineer.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang pananambang dakong alas-7 ng gabi sa may ilalim ng pedestrian overpass sa Common­wealth Avenue, Brgy. Old Balara.

Nabatid na minama­neho ng biktima ang isang asul na Mitsubishi Adven­ture (CDJ-589) kasama ang dalawang staff kabi­lang na si Gendram nang dumikit sa kanila ang isang motorsiklo sakay ang da­lawang lalaki. Agad na binistay ng bala ng mga suspek ang biktima bago tumakas patungo sa direk­syon ng Fairview.

Sinabi ni QCPD direc­tor, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na malalim umano ang ugat ng krimen ma­tapos na mabatid na ma­tagal nang nakakatanggap ng death threats ang bik­tima. (Danilo Garcia)

Show comments