Mag-tiya na kasambahay, kinatay ng akyat-bahay

Patay ang mag-tiya na kasambahay makaraang kapwa ataduhin ang mga ito ng saksak ng hinihi­nalang mga miyembro ng “Akyat Bahay Gang”, ka­ma­­kalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Batay sa inisyal na pag­sisiyasat, ang mga biktima ay kinilalang sina Erlinda Ocampo, 54, at pamangkin nitong si Ma­ricar Mandresa, 17, na na­tagpuang kapwa duguang nakahandusay sa kusina ng bahay ng kanilang amo na hindi na pinapa­ngala­nan sa Manggahan Com­pound, BF Resort Village ng nabanggit na lungsod. Tadtad ng saksak sa kata­wan ang dalawang biktima na naging sanhi ng ka­nilang kamatayan.

Lumalabas sa imbesti­gasyon na ang dalawang biktima lamang ang na­iwanan sa nasabing bahay makaraang umalis ang kanilang mga amo dakong alas-4 kamakalawa ng hapon at kinagabihan na lamang natuklasan ang naganap na krimen sa mag-tiya.

Narekober naman ng mga imbestigador sa scene of the crime ang isang kitchen knife na may bahid ng dugo na hinihi­nalang ginamit sa pama­maslang sa dalawang biktima.

Sa pagsusuri rin ng mga imbestigador, may palatandaan na ang mga suspect ay dumaan sa bintana upang looban ang bahay ng amo ng mga biktima pero nahuli ang mga ito ng mag-tiya dahi­lan upang kapwa patayin ang mga ito ng mga una bago kinulimbat ang ma­ha­halagang bagay saka tuluyang tumakas. Ni-ran­sack din ng mga suspect ang mga aparador at cabi­net ng mga amo ng dala­wang biktima. Hindi pa malaman kung magka­nong halaga ang natangay ng mga suspect.

Show comments