^

Metro

Empleyado shinotgun ng sekyu, utas

-

Patay ang isang empleyado nang barilin ito ng shot­gun ng security guard ng kanilang kompanya matapos na tangkaing pumasok sa trabaho ng una nang umano’y nasa impluwensiya ng alak, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si   si Rex Anthony Magtuba, 28, empleyado ng Florence Food Corp. Kasa­lu­kuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang suspect na si Christopher Arias, security guard ng JOPRA Security Agency, nakatalaga sa nasabing kompanya na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa loob mismo ng kompanyang pinagtatrabahuhan kapwa ng biktima at suspect na matatagpuan sa Talisay St., Amparo Gate 3, Caloocan City.

Nabatid na unang dumating ang biktima kasama si Richard Cajunton, 20, at pilit na pumasok sa loob ng nasabing kompanya subalit agad silang pinigil ng gwardiya dahil umano sa parehong lasing ang dalawa. Dito nairita ang biktima kung kaya’t kinulit nito ang suspect na human­tong naman sa isang mainitang pagtatalo. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AMPARO GATE

BATAY

CALOOCAN CITY

CHRISTOPHER ARIAS

FLORENCE FOOD CORP

REX ANTHONY MAGTUBA

RICHARD CAJUNTON

ROSE TAMAYO-TESORO

SECURITY AGENCY

TALISAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with