Civilian employee sa Crame timbog sa gunrunning

Nabuko ang isang ma­laking sindikato ng pagna­nakaw ng mga armas sa gob­­yerno sa isinagawang entrap­ment operation laban sa isang civilian employee ng Camp Crame, Quezon City ng pinagsanib na puwersa ng National Bu­reau of In­vestigation (NBI), Intel­ligence Services of the Armed Forces of the Phils. (ISAF) at Phil. Na­tional Police-Crimi­nal In­ves­tiga­tion and De­tection Group (PNP-CIDG) at pag­kum­piska sa daang pira­song baril sa Caloocan City.

Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang sus­pect na si Reynaldo de Jesus Victorino, utility worker sa Camp Crame, Quezon City, ng #92 Road 1, West Crame, QC.

Bigo naman umanong madakip sa pagsalakay ang iba pang suspect na pi­nangalanan ni Mantaring na sina Romulo B. Tus­cano, chief ng Supply Ac­counting and Monitor­ing Division (SMD) ng PNP sa Camp Crame; SPO1 Gerry Manuel P. Revecho; isang police non-com­missioned officer, Police Regional Office 10, na naka-detailed sa PNP Headquarters, Camp Crame; Bobby Sua­rez at isang Nelia Palo­maria, ang may-ari ng Ag­gres­sive Gunshop na ma­ta­tagpuan sa Santolan Road, Quezon City.

Sa imbestigasyong ibi­nunyag ng NBI na ka­bilang sa sindikato na nag­be­benta ng matataas na ka­libreng baril ang mga ak­tibo at dating miyembro ng PNP at lumalabs na taga­benta lamang si alyas “Lando” na sa huli ay naki­lalang si Victorino.

Nabatid na galing ang mga armas sa PNP-re­gional offices at idinedekla­rang ‘unserviceable’ o hindi na maa­aring gamitin. Sa halip na ibalik umano sa PNP head­­quarters, idini­diretso ito sa sindikato upang ma­ibenta.

Nadiskubre sa isina­gawang test buys na mabi­bili lamang ang.38 caliber revolver sa P2,000; 9mm at .45 caliber pistols sa P5,000 at ang M-16 arma­lite at M-14 sa presyong P20,000. Kabilang pa sa na­samsam sa suspects ang 88 piraso ng .38 re­volvers, (3) M-16 armalite rifles at (6) M-14 armalite rifles. na ang ka­ukulang kaso laban sa na­dakip. (Ludy Bermudo)

Show comments