Civilian employee sa Crame timbog sa gunrunning
Nabuko ang isang malaking sindikato ng pagnanakaw ng mga armas sa gobyerno sa isinagawang entrapment operation laban sa isang civilian employee ng Camp Crame, Quezon City ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Intelligence Services of the Armed Forces of the Phils. (ISAF) at Phil. National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at pagkumpiska sa daang pirasong baril sa Caloocan City.
Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang suspect na si Reynaldo de Jesus Victorino, utility worker sa Camp Crame, Quezon City, ng #92 Road 1, West Crame, QC.
Bigo naman umanong madakip sa pagsalakay ang iba pang suspect na pinangalanan ni Mantaring na sina Romulo B. Tuscano, chief ng Supply Accounting and Monitoring Division (SMD) ng PNP sa Camp Crame; SPO1 Gerry Manuel P. Revecho; isang police non-commissioned officer, Police Regional Office 10, na naka-detailed sa PNP Headquarters, Camp Crame; Bobby Suarez at isang Nelia Palomaria, ang may-ari ng Aggressive Gunshop na matatagpuan sa Santolan Road, Quezon City.
Sa imbestigasyong ibinunyag ng NBI na kabilang sa sindikato na nagbebenta ng matataas na kalibreng baril ang mga aktibo at dating miyembro ng PNP at lumalabs na tagabenta lamang si alyas “Lando” na sa huli ay nakilalang si Victorino.
Nabatid na galing ang mga armas sa PNP-regional offices at idinedeklarang ‘unserviceable’ o hindi na maaaring gamitin. Sa halip na ibalik umano sa PNP headquarters, idinidiretso ito sa sindikato upang maibenta.
Nadiskubre sa isinagawang test buys na mabibili lamang ang.38 caliber revolver sa P2,000; 9mm at .45 caliber pistols sa P5,000 at ang M-16 armalite at M-14 sa presyong P20,000. Kabilang pa sa nasamsam sa suspects ang 88 piraso ng .38 revolvers, (3) M-16 armalite rifles at (6) M-14 armalite rifles. na ang kaukulang kaso laban sa nadakip. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending