^

Metro

Talastasang walang papel paiiralin sa presinto sa QC

-

Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Feliciano Bel­ mon­te Jr. ang paglu­lunsad nito   ng proyektong “paper-less communication” sa Quezon City Police District sa ika-69 aniber­saryo nito bukas.

Sinabi ni Belmonte na, sa pamamagitan ng pro­yekto, mababawasan ang paggamit ng papel ng pu­lisya na papalitan ng “WIFI electronic system” at “inter­net connection” sa QCPD Head­quar­ ters sa Camp Ka­ringal at sa 11 is­tasyon nito sa lungsod.

Ipinaliwanag naman ni QCPD Director Sr. Supt. Mag­tanggol Gatdula na ang mga spot reports, office memoran­da at iba pang dokumento na datirating ipinapadala sa pama­magi- tan ng “facsimile/fax machine” ay maipapadala na lamang ngayon sa mga istas­yon sa pamamagitan ng kani­lang opisyal na website na mas mabilis na paraan sa ko­ munikasyon.   Sa pama­ma­gitan nito, ma­ papalakas ang kapa­bilidad ng QCPD.

Sinabi ni QCPD Information and Technology officer Sr. Insp. Regina Fider na tu­turuan ng mga saligang kaa­laman ang mga pulis tulad ng simpleng “enco-ding, scanning, printing” at pagpapa­da­la ng mga doku­mento sa pa­mamagitan ng internet mula sa Station Tactical Operating Center patungo sa District Tactical Operation Center.

Sinabi ng alkalde na pana­hon nang mamulat sa ma­kabagong tekno­lohiya ang pulisya para mapabi- lis ang serbisyo nito sa taumbayan at mapa­lakas ang pagsugpo sa mga kri­men. (Danilo Garcia)

CAMP KA

DANILO GARCIA

DIRECTOR SR. SUPT

DISTRICT TACTICAL OPERATION CENTER

INFORMATION AND TECHNOLOGY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BEL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with