Polio victim sinaksak dahil lang sa higaan
Isang 29-anyos na polio victim ang pinatay sa saksak ng kapwa niya market helper nang dahil lamang sa paghi ga niya sa pwesto ng huli sa isang bakanteng lote sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Charlie Punzalan ng #449 Zaragosa St., Tondo.
Isang alyas “Lito” ang sinasabing responsable sa pa nanaksak.
Sa ulat ni SPO1 Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng umaga nang maganap ang naturang insidente sa isang bakanteng lote malapit sa Zaragosa Market sa Tondo.
Matutulog na ang suspek kaya nagtungo siya sa dati niyang pinupuwestuhan nang madatnan ang biktima na nakahiga roon.
Tinangka niyang gisingin ang biktima pero hindi ito bumangon kaya nagalit ang una at pinagsasaksak ang huli. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending