Kelot napagtripan ng 5 adik, kinatay

Limang saksak sa katawan ang naging sanhi nang agarang pagkamatay ng isang 49 -anyos na lalaki nang pagtulungan ng limang hindi nakilalang lalaki, sa Intramuros, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Nestor Castillo, ng Gate 12 Parola Compound, Tondo, Manila. Pinaniniwalaang pinagtripan lamang umanong saksakin ang biktima ng mga hinihinalang adik sa droga, na tumakas matapos ang pananaksak. Ayon sa ulat, dakong alas-8 ng gabi nang naganap ang insidente sa Muelle del Rio St, Port Area Intramuros, Manila.

Sa pahayag ng mga saksi, nakita na lamang nila na hina­habol ng mga kalalakihan ang biktima at nang makorner ay pinagtulungan itong saksakin.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad. (Ludy Bermudo)

Show comments