^

Metro

Doktor patay sa aksidente

-

Isang 51-anyos na doctor ang binawian ng buhay nang sumalpok ang minamaneho niyang kotse sa isang poste sa ibabaw ng flyover matapos iwasan ang naka­paradang truck na nagkukumpuni ng ilaw kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Jose Javier Suntay, ng Dacca St., BF Northwest, Parañaque City.

Naghihimutok naman ang mga kaanak ng biktima dahil bukod sa malagim na sinapit ng manggagamot, nilimas din ng ilang kawatan na nagkunwaring nagma­malasakit ang salapi sa   wallet nito.

Lumabas sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima lulan ng kanyang kotse na may plakang PNE-838 sa kahabaan ng Roxas Blvd. nang hindi napansin ang naka­himpil na truck ng Rayville Electrical Construction Corp., nagkukumpuni ng napunding ilaw sa poste ng Meralco sa ibabaw ng flyover.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang biktima dahil sa sobrang bilis ng takbo kayat ilang ulit na umikot-ikot bago tuluyang sumalpok sa poste ng ilaw.

Sinabi naman sa pulisya ng driver ng Rayville Elec­trical Construction na si Eduardo Peralta, na muntik na rin siyang mahagip ng kotse dahil sinesenyasan niya ang mga nagdaraang sasakyan habang kinukumpuni nila ang pundidong ilaw, bukod sa inilagay nilang early warning device. (Lordeth Bonilla)

DACCA ST.

DIOS HOSPITAL

EDUARDO PERALTA

JOSE JAVIER SUNTAY

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

RAYVILLE ELEC

RAYVILLE ELECTRICAL CONSTRUCTION CORP

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with