Coed binoga sa mukha ng 50-anyos na suitor

Patay ang isang 20-anyos na magandang ko­le­hiyala matapos na ba­rilin sa ulo at mukha ng 50-anyos niyang manli­ligaw at saka inihulog mula sa loob ng kotse ng huli kahapon ng mada­ling-araw sa Paco, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktmang si Ana Katrina Pa­milar, 3rd year student sa City College of Manila at resi­dente ng Bo. Sta. Maria, Paco, Maynila dahil sa tina­mong tama ng bala sa ulo at mukha

Pinaghahanap na­man ng pulisya ang sus­pect na isang Rey Pas­cua na ma­bilis na tuma­kas matapos ang isina­gawang krimen.

Sa ulat ni Det. Jaime Gon­zales Jr. ng Manila Police District (MPD)-Ho­mi­cide Section, dakong alas-12:50 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa kanto ng P. Gil at Bo. Sta Maria, Paco.

Sa pahayag ng ba­rangay tanod na si Jesus Pag­laluan, nakita niya ang biktima na nagla­lakad pa­tungo sa naka­paradang puting Nissan Sentra (LEC). Nang pumasok umano ang biktima sa nabanggit na sasakyan ay bigla siyang nakarinig ng mga putok at narinig niya ang pagharurot ng na­sabing kotse.

Nakita na lamang niya at iba pang saksi na ini­hulog mula sa sasakyan ang bik­tima na duguan ang mukha at ulo.

Sa pag-iimbestiga, ibi­nun­yag ng kapatid ng bik­tima na nakilalang si Ara, 19, na ang nasabing kotse ang madalas ga­mi­tin ng masugid na man­li­ligaw ng kanyang kapatid sa pag­dalaw sa kanilang tahanan at kilala nila ito sa pa­nga­lang Rey Pascua.

Dagdag pa ni Ara, kahit panay ang iwas ng kan­yang kapatid kay Pascua ay madalas umano itong mag­­punta sa kanilang bahay at kinukulit ito sa panliligaw.

Patuloy pa ring ina­alam ang motibo at kung ang sus­pect na itinuturo ang positi­bong gumawa ng krimen.

Show comments