^

Metro

Pagtungo ng task force RCBC, over killed - CHR

-

Kinondena ni Commission on Human Rights (CHR) Chair­person Leila de Lima ang anya’y over killed na ginawang pagtungo ng mga tauhan ng binuong Task Force RCBC sa kanyang tanggapan kahapon

Ayon kay de Lima, 20 hang­gang 30 miyembro ng Task Force RCBC ang nagtungo sa CHR upang puwersahang kunin ang hawak nilang isang Jake Javier, anak ng napatay sa RCBC incident na si barangay Chairman Vivensio Javier sa Pagaspas Tanauan, Batangas.

Sinasabing nagkaroon pa umano ng tensyon sa kanilang tanggapan dahil sa animo’y lulusob sa kampo ng rebeldeng Abu Sayyaf ang naturang grupo dahil todo armas ang mga ito.

Bukod dito, isang nakasibil­yang miyembro ng Task Force RCBC ang dinis-armahan ng mga guwardiya ng CHR nang pumuslit at aktong papasok na ito sa opisina ni de Lima pero hindi na ito pinangalanan para na rin sa seguridad ng mga taga-CHR. Gayunman, napawi lamang ang pangamba ng mga tauhan ng ahensiya nang ma­ka­­harap ng mga tauhan ng Task Force RCBC si CHR Chairman Leila de Lima at mapaliwa­nagan

Kahapon, alas -8 ng umaga ay nagpasama si de Lima sa media para iturn-over ng CHR kay PNP chief Verzosa sa Kampo­ Krame si Jake Javier. (Angie dela Cruz at Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ANGIE

CHAIRMAN LEILA

CHAIRMAN VIVENSIO JAVIER

HUMAN RIGHTS

JAKE JAVIER

JOY CANTOS

PAGASPAS TANAUAN

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with