^

Metro

LRT magtatayo ng sariling fire station

-

Matapos ang sunud-sunod na malalaking sunog na na­ganap sa Baclaran, Pasay City magtatayo na ngayon ang Light Rail Transit (LRT) ng sarili nilang fire station sa takot na mada­may ang kanilang establisi­mento sa pagkalat ng apoy sa naturang komersyal na lugar.

Sa koordinasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Pasay Volunteer’s Fire Brigade, ita­tayo ng LRTA ang kanilang fire station sa bakanteng lote sa ilalim ng Baclaran terminal station kung saan sasagutin nito ang lahat ng gastos at mga permits.

Sinabi ni LRTA Administrator Mel Robles na naisip nila ang malubhang pangangailangan sa sariling istasyon ng bumbero dahil sa pagkalugi na aabot sa P4.1 milyon sa pagkaantala ng kanilang operasyon dahil sa magkakasunod na sunog na naganap nitong mga nakaraang buwan sa mga malls na malapit sa kanilang istasyon.

Nakapagtala na ang Bac­laran ng anim na magkaka­sunod na sunog ngayong taon kung saan ang pinakahuli ang pagkatupok ng Baclaran Mall na muntikan nang maabot ng apoy ang kanilang istasyon.

Naisip nila ang agarang pangangailangan sa pagtatatag ng fire station upang mapro­tek­syunan ang buhay ng kanilang mga pasahero at mga ari-arian dahil sa napapaligiran ang Bac­laran terminal ng mga establi­si­mentong komersyal na sobrang nagsisiksikan na at panganib sa sunog. (Danilo Garcia)

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

BACLARAN

BACLARAN MALL

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

FIRE BRIGADE

LIGHT RAIL TRANSIT

PASAY CITY

PASAY VOLUNTEER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with