^

Metro

Pulis nabaril ang sarili, todas

-

Patay ang isang puils makaraang aksidente nitong   makalabit ang gatilyo ng kanyang service firearm na ikinadamay naman ng isang nurse na tinamaan din sa mukha matapos tumagos ang bala sa ulo ng una kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong isang tama ng bala sa ulo ang bik­timang si PO2 Rommel Allan Mendoza, naka­talaga sa PCP 14 ng Marikina police.

Samantala nasa kritikal na kondisyon din sa nasabing pagamutan ang isa pang biktima na si Henry Cruz, 34, nurse ng Rescue 161 ng Mari­kina police matapos na tamaan ng bala sa mukha nang tumagos ang bala sa ulo ng pulis.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa loob ng Tactical Operation Center (TOC) ng Marikina PNP Headquarters.

Nabatid na hinugot ni PO2 Mendoza ang kanyang 9mm na service firearm upang tignan umano ang safety lever subalit aksidente umano nitong nakalabit ang gatilyo ng baril dahilan upang tumama ito sa kanyang sentido at tumagos sa kabilang bahagi ay tinamaan din ang katabing si Cruz.

Agad namang isinugod sa nasabing paga­mutan ang dalawang biktima subalit ilang sandali lang ay binawian na ng buhay ang pulis, habang ang nurse naman ay kasalukuyang nasa inten­sive care unit (ICU) at patuloy na inoobser­bahan. (Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

CRUZ

EDWIN BALASA

HENRY CRUZ

MARI

MARIKINA CITY

MENDOZA

NABATID

ROMMEL ALLAN MENDOZA

TACTICAL OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with