Sumaklolo sa holdap, tinodas

Binaril at napatay ang isang tricycle driver ng isang holdaper nang sak­­lolohan nito ang bini­bik­­tima ng suspek sa Ca­loocan City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa kata­wan si Joel Delos Santos, 42 , ng Package 4, Block 21, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng uma­ga habang pumapa­sada ang biktima sa kaha­baan ng Phase 5 nang makita nitong hinoholdap ng suspek ang isang Ar­cadio Custodio.

Lumapit ang biktima at sinaklolohan si Arcadio subalit pinaputukan ito ng holdaper bago mabilis ng tumakas habang agaran namang isinugod si Delos Santos sa nasabing os­pital ngunit hindi ito uma­bot ng buhay.

Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awto­ridad laban sa suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments