Si Director Leopoldo Bataoil na ang uupo simula nga yon bilang bagong NCRPO chief.
Ang pinakabagong revamp sa PNP na kinabibilangan ng anim na police generals ay ipinatupad matapos na ang No. 2 man sa command sa katauhan ni Deputy Director Gen. Emmanuel Carta nagpasyang sumailalim na sa non-duty statues bilang paghahanda sa kanyang retirement sa darating na Enero 1 ng susunod na taon.
Si Carta ay isa sa walong police generals na dumalo sa 77th Interpol General Assembly sa Russia na naging kontrobersiyal dahil sa nasabat na 105,000 euros kay ret. comptroller Director Eliseo dela Paz.
Posible umanong pumalit kay Carta ay si Deputy Director General Ismael Rafanan, kasalukuyang PNP chief for operations at No. 3 sa command. Maaari namang umakyat sa posisyon ni Rafanan si Director Geary Barias na kasalukuyang PNP chief directorial staff.
Sa posisyon naman na iiwan ni Bataoil bilang director for police community relation at ibibigay kay Director German Doria na kasalukuyang Director for Human Resource and Doctrine Development na ookupahan naman ni Chief Superintendent Sukarno Ikbala.
Sinabi naman ni Carta na ang desisyon niyang sa non-duty status ay walang kinalaman sa kontrobersiya sa euro generals. (Cecille Suerte Felipe)