Nadakma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sinasabing dalawang miyembro ng Chinese Triad sa isinagawang tatlong linggong operasyon sa Quezon City.
Iprinisinta kahapon ni PDEA Director General Dionisio Santiago Jr. ang mga naaresto na sina Romeo Villaroman Jr. at Andrew Lucena.
Nakumpiska sa mga ito ang isang plastic sachet na naglalaman ng 34 gramo ng shabu na may presyong P340,000.
Natunton ang dalawa sa loob ng Parkville Apartelle, Examiner Road cor. Quezon Avenue, Quezon City. Tatlong linggo umano nilang isinailalim sa surveillance operation ang dalawang suspek na pangunahing kliyente ang mga mayayamang estudyante sa kolehiyo at nakikipagtransaksyon sa mga hotel. Isa sa mga operatiba ang nagpanggap na buyer na naging dahilan ng pagkakadakip sa mga ito. Nakuha rin sa mga ito ang isang kalibre. 45 baril. (Danilo Garcia)