^

Metro

P22 pang tapyas sa presyo ng LPG

- Edwin Balasa, Rose Tamayo-Tesoro -

Muling nagpatupad ng P2 rollback sa presyo ng kada-kilo ng lique­fied petroleum gas (LPG) ang maliliit na dealers ka­ninang hating­gabi. 

Ayon sa LPG Mar­keters Association (LPGMA), dahil sa na­turang pinakahuling bawas sa presyo ng LPG ay dapat hindi na lalagpas sa P500 ang presyo ng kada-11 kg na tangke nito. 

Ayon kay LPGMA president Arnel Ty, sinabi nito na ang P2 bawas sa presyo ng kada-kilo ng LPG o P22 sa kada 11-kg na tangke ay naging epektibo si­mula alas-12 ng ha­tinggabi.

Maliban dito, nagbi­gay din ito ng indikasyon na masusundan pa ang nasabing rollback dahil sa patuloy aniyang pag­baba ng contract price nito sa world market. Mula aniya sa P516 ay magiging below P500 na ang presyo ng LPG dahil sa nasabing pani­bagong rollback.

ARNEL TY

AYON

DAHIL

KADA

LPG

MALIBAN

MULA

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with