Kapwa nasawi ang isang pulis at ang asawa nito makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Malvar General Hospital si PO3 Charlie Aguilar at habang isang oras pang nakipaglaban sa kamatayan ang misis nitong si Zenaida bago tulu yang nalagutan ng hininga.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong alas-6:50 ng gabi sa tapat ng bahay ng mag-asawa sa Masaya street, Freedom Park 2, Batasan Hills, ng naturang lungsod.
Kauuwi pa lamang ng dalawa nang huminto sa kanilang tapat ang isang XRM type na motorsiklo. Agad na nagbunot ng kalibre .45 baril ang angkas ng motorsiklo at pinaulanan ng bala ang mag-asawa.
Nabatid na tinangay pa ng mga salarin ang kalibre 9mm na service firearm ni Aguilar bago tumakas. (Danilo Garcia)