^

Metro

Apo ng ex-PNP chief pumalag sa pulis, todas

- Danilo Garcia -

Isang sinasabing apo umano ni dating Philippine National Police Chief (ret.) Gen. Arturo Lomibao ang nasawi ma­karaang mabaril sa pa­kikipagbuno sa isang pulis na umaaresto dito dahil sa panggugulo sa isang KTV bar sa Que­zon City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Allan Sarmiento y Lo­mibao, 24 anyos, at na­nini­rahan sa #7-D 3rd Planas street, Brgy. Ka­un­laran, Cubao, Quezon City. 

Nag­tamo ito ng isang tama ng bala sa katawan na siya niyang ikinamatay.

Ginagamot naman sa loob ng PNP General Hospital ang nakabaril na pulis na si PO3 Melenio Donato, nakatalaga sa Cubao Police Station. Posibleng maharap si Donato sa kasong krimi­nal kapag napatunayang nag­ka­roon ng pagkaka­sala sa insidente.

Isinugod rin sa natu­rang pagamutan ang ba­rangay tanod na si Victor Cueto dahil sa tina­mong sugat sa kagulu­han ha­bang ginagamot naman sa Quirino Memorial Medical Center sina Victor Ro­dillas, 29, na tinamaan ng bala sa batok at Maryan San­chez, 18, na nadap­lisan ng bala sa kamay at paa.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naga­nap ang krimen da­kong ala-1:30 ng mada­ling-araw sa harapan ng isang Bahay Grill and KTV bar sa may N. Do­mingo street, Brgy. Kaun­laran, ng natu­rang lungsod.

Naunang humingi ng saklolo ang waiter ng bar na si Rommel Sanini kay Donato at mga barangay tanod dahil sa pang­gu­gulo ng grupo nina Sar­miento. Dito rumes­ponde ang pulis na umaresto sa lasing na si Sarmiento.

Akmang poposasan ng pulis si Sarmiento nang manlaban umano ito katu­long ang mga kasamahan. Pinilit pa uma­nong agawin ni Sar­miento ang baril ni Do­nato kung saan sunud-sunod na pumutok ito at tinamaan ang biktima sa kanilang pagbubuno.

ALLAN SARMIENTO

ARTURO LOMIBAO

BAHAY GRILL

BRGY

CUBAO POLICE STATION

DONATO

GENERAL HOSPITAL

MARYAN SAN

MELENIO DONATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with