3 ipit nasakote

Nadakip ng pulisya ang isang magkapatid at isa nilang kasama sa Ipit gang matapos mambiktima sa loob ng isang pampasaherong bus sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Michael Dacles, kapatid nitong si Jimboy, 25; at Avelino Camna, 40, pawang mga residente ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa pahayag ng biktimang si Genesis Dela Cruz, 33, ng Malinta, Valenzuela City, kapwa niya pasahero ang mga suspek sa naturang bus nang pagsapit nito sa MacArthur Highway, Marulas ng lungsod ay na­ram­daman niyang hiniwa ni Jimboy ang bulsa ng kan­yang pantalon at kinuha ang kanyang Motorola cellphone.

Ipinasa ni Jimboy ang cellphone sa kapatid na naka­upo sa kanilang likuran at nang tangkain ng biktima na pumalag ay sinabihan ito ng mga suspek na marami sila at masasaktan lamang siya.

Nang makitang may-check point ay agad na nagsi­baba ang mga suspek habang sumunod naman ang biktima bago nagtuloy sa mga pulis doon. Agad naman hinabol ang mga suspek at nang maabutan ay nakuha sa mga ito ang cellphone ng biktima na naging dahilan upang dalhin ang mga ito sa presinto. (Lordeth Bonilla)

Show comments