Isang lalaki na suspek sa isang kasong pagpatay ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard matapos itong sumakay sa isang pampasaherong barko habang patungo sa Port of Manila.
Si Masif “Pakpak” Papandayan, 38, tubong Tuburan, Lanao del Norte ay naaresto ng mga sea marshalls habang sakay sa Our lady of Good Voyage dakong alas-4 kamakalawa ng madaling-araw.
Ayon kay PCG Chief Vice Admiral Wilfredo Tamayo, si Papandayan ay mayroong warrant of arrest mula sa Dasmariñas, Cavite Regional Trial Court Branch 90 dahil sa kasong pagpatay.
Bago maaresto ang suspek, sumakay ito sa barko mula sa Iligan upang bumalik sana sa Maynila matapos ang may isang taong pagtatago sa batas.
Nabatid na tatlong oras bago tuluyang dumaong sa Pier 15 sa pier ang barko ay nadakip naman ang suspek ng mga sea marshal matapos na mamataan ito na isa pala sa mga pasahero doon. (Gemma Amargo-Garcia)