^

Metro

Taga-Pasay hinoldap ng 6 na pulis

-

Anim na pulis ang ini­reklamo ng pang­ho­hol­dap umano sa isang resi­dente ng Pasay City ka­hapon ng madaling-araw.

Sinabi ng biktimang si Jeffrey Ramos, 25, ng #1807 Goquiolay St., Pasay City na naglalakad sila ng isa niyang kaibi­gan sa may panulukan ng F.B. Harrison at Lour­des St. sa naturang lun­sod nang tabihan at hin­tuan sila ng isang puting kotseng Toyota Corolla na walang plaka.  

Bumaba mula sa kotse ang anim na arma­dong lalake, sinita sila at nagpaki­lalang mga mi­yembro ng Pasay City Police.

Dahil nakasuot sa kan­yang leeg ang ma­kapal na gintong kuwin­tas, sapilitan siyang isi­nakay sa kotse ng mga suspek.

Sa loob ng sasakyan, agad siyang kinapkapan ng mga pulis at kinuha ang kanyang pitakang naglalaman ng P700 pati na ang kanyang suot na gintong kuwintas.

Kasunod nito, pina­baba siya ng mga sus­pek sa tapat ng gusali ng Pasay City Hall sabay pina­harurot ang kanilang sasakyan patungong EDSA tangay ang mga ninakaw na alahas at sa­lapi mula sa una. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BUMABA

DAHIL

GOQUIOLAY ST.

JEFFREY RAMOS

PASAY CITY

PASAY CITY HALL

PASAY CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with