Matapos na makitaan ng mga uod ang isang luncheon meat na kakainin sana sa almusal ng mga pari sa San Carlos Seminary sa Makati City kamakalawa ng umaga, agad namang kumilos ang Bureau of Food and Drugs para suriin ang SPAM Lite luncheon meat.
Ayon kay BFAD Director Leticia Gutierrez, agad nilang ilalabas ang resulta matapos ang gagawin nilang pagsusuri sa produkto.
Wala namang sinabi si Gutierrez kung dapat nang i-pull out ang mga nasabing luncheon meat sa merkado.
Nangako naman ang manufacturer ng nasabing produkto na iimbestigahan ang pangyayari bagama’t tiniyak nito na malinis ang kanilang mga produkto.
Sinabi ng BFAD na kailangang agad na masuri ang nasabing meat loaf upang matukoy kung merong nakalalasong sangkap dito. (Doris Franche)