^

Metro

Almusal na ham ng pari na may uod sisilipin ng BFAD

-

Matapos na makitaan ng mga uod ang isang luncheon meat na kaka­inin sana sa almusal ng mga pari sa San Carlos Seminary sa Makati City kamakalawa ng umaga, agad namang kumilos ang Bureau of Food and Drugs para suriin ang SPAM Lite luncheon meat.

Ayon kay BFAD Di­rector Leticia Gutierrez, agad nilang ilalabas ang resulta matapos ang ga­gawin nilang pagsusuri sa produkto.

Wala na­mang sinabi si Gutierrez kung dapat nang i-pull out ang mga nasabing luncheon meat sa merkado.

Nangako naman ang manufacturer ng nasa­bing produkto na iimbes­tigahan ang pangyayari bagama’t tiniyak nito na malinis ang kanilang mga produkto.

Sinabi ng BFAD na ka­ilangang agad na ma­suri ang nasabing meat loaf upang matukoy kung merong nakalalasong sangkap dito. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

LETICIA GUTIERREZ

MAKATI CITY

MATAPOS

NANGAKO

SAN CARLOS SEMINARY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with