Isang negosyanteng ginang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan at nasawi rin ang isang dating seaman matapos itong tamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Kapwa patay na nang dumating sa Alabang Medical Clinic ang mga biktimang sina Marivic de Mesa, biyuda, ng De Mesa Cmpd., Ilaya, Alabang na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa dibdib at isa sa bibig at Jerry Igot, 36, ng #46 Wawa St., Brgy. Alabang na nahagip ng bala sa kanang bahagi ng kilikili. (Lor deth Bonilla)