Isang babaeng Chinese national na nagbebenta ng panandaliang aliw ang inaresto matapos pagnakawan ng cellphone na nagkakahalaga ng P30,000 ang kanyang kustomer na isa namang overseas Filipino worker kahapon sa Pasay City.
Ang suspek ay itinago sa pangalang Chibay, may sapat na gulang, nanunuluyan sa #479 Cuyegkeng St., Barangay 1, ng nabanggit na lungsod.
Kinilala naman ang complainant na si William Aderlo, 37, ng #9506 Halcon St., Calamba, La Loma, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Allan Valdez ng Station Investigation & Detective Management Section ng Pasay City Police, nakipagkilala ang 39-anyos na suspek kay Aderlo nang magkita sila sa F.B. Harrison dakong alas-5 ng madaling-araw ng Miyerkules.
Inalok umano ng Chinese prostitute si Aderlo ng panandaliang aliw kapalit ng halagang P500 na kaagad namang pinatulan ng biktima nang sabihin ng babae na hindi na sila magbabayad sa motel dahil sa mismong inuupahan niyang silid sila magtatalik.
Ginawa umano ni Chibay ang lahat ng kanyang nalalaman sa pagpapaligaya kung saan halos tumirik ang mata ng biktima sa labis na kaligayahan kaya hindi naman siya nakatanggi nang hiramin muna ng babae ang kanyang cellphone.
Inakala umano ng biktima na magte-text lang ang suspect kaya tiwala niyang pinahiram ang cellphone hanggang sa makatulog na siya sa labis na kapaguran.
Nang magising si Aderlo, wala na ang Chinese prostitute. Nadakip kinalaunan ang suspek sa inuupahan nitong silid. (Lordeth Bonilla)