^

Metro

Staff ng Malacañang itinumba

- Danilo Garcia -

HInihinalang mga ba­yarang “hitman” ang pu­maslang sa isang em­pleyado ng Mala­cañang na binistay ng bala sa harap ng kan­yang bahay kamaka­lawa ng gabi sa Que­zon City.

Nakilala ang nasawi na si Dennis Garpa, 47-anyos, may-asawa, at nani­nirahan sa River­side Ext., Brgy. Common­wealth, ng naturang lung­sod. Nabatid na nagta­trabaho sa Board of Li­qui­dators sa ilalim ng Office of the Presi­dent ang biktima.

Nakatayo si Garpa sa harapan ng kan­yang bahay kasama ang isa niyang pinsan nang du­mating ang dalawang suspek sa­kay ng isang motor­siklo. Isa sa mga ito ang bumaba at walang sabi-sabing pinaputu­kan ang biktima sa ulo at katawan bago ma­bilis na tumakas sakay ng natu­rang motor­siklo.

Agad namang isi­nu­god si Garpa ng mga ka­anak sa Far Eastern Uni­versity Hospital ngunit hindi na ito umabot nang buhay dahil sa tindi ng tama ng bala na tinamo nito.

Partikular na tinutu­tu­kan ngayon ng mga oto­ridad kung may kinala­man sa trabaho ng bik­tima ang pamamaslang. Inaalam ng mga im­bes­tigador kung may tran­saksyon na may naka­galit ang biktima na ma­aaring maging daan sa pagkilala sa utak ng krimen.

 

vuukle comment

BOARD OF LI

BRGY

DENNIS GARPA

FAR EASTERN UNI

GARPA

INAALAM

ISA

NABATID

OFFICE OF THE PRESI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with