Pari pinag-almusal ng uod
Nagulantang ang mga pari sa San Carlos Pastoral Formation Complex sa Edsa Guadalupe, Makati City matapos na makitang inuuod na ang isang ham na ihahain sa kanilang almusal kahapon ng umaga.
Ayon kay Crispina Pedragoza, refectorian o tagasilbi ng pagkain sa mga pari, laking gulat nila nang makitang inuuod na ang isang lata ng SPAM lite meatloaf na gawa ng Formel Food Corp. kung saan ang local distributor nito sa Pilipinas ay ang Purefoods Corporation.
Sinabi ni Pedragoza na bumili siya ng walong tig-340 grams ng SPAM lite meatloaf sa PUREGOLD Price Clubhouse Inc. sa 312 Shaw Blvd., Pleasant Hill, Mandaluyong City na kanya sanang isisilbi sa agahan ng mga pari sa seminaryo.
Aniya, napatili siya nang matapos buksan ang isang lata ng SPAM lite ay nakitang gumagalaw ang mga uod.
Nabatid na ang nasabing produkto ay may expiration date na August 2011.
Agad na ipinagbigay-alam ni Pedragoza ang kanyang natuklasan sa administrador ng bahay-pari na agad namang ipinadala nito sa Radio Veritas ang lata ng SPAM lite na mayroong uod “for safe keeping”.
Dinala naman sa Bureau of Food and Drugs ang nasabing ham para magawan nito ng aksyon subalit ipinasa ni Joyce Serunay, division chief ng BFAD, ang responsibilidad sa National Meat Inspection Service sa ilalim ng Department of Agriculture sa pamamagitan ni Atty. Jane Bacayo.
Kasabay nito, umaasa naman si Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila, at isa sa mga nakatira sa Bahay Pari na maaksiyu nan agad ang nasabing insidente dahil kalusugan ng mga ma mamayan ang nakataya dito.
Nais ni Fr. Pascual na gumawa ng “public apology” ang manufacturer at distributor ng SPAM lite products at ipaliwanag kung paanong nagkaroon ng uod sa kanilang produkto.
- Latest
- Trending