^

Metro

440 kilo ng hot meat nasabat

-

Umaabot sa 440 kilo ng hot meat ang nakumpiska ng mga tauhan ng Veterinary Board Inspections (VIB) ng Manila City hall sa isina­gawang operasyon ng mga ito sa tatlong pamilihan sa Maynila kamakalawa.

Ayon kay Engr. Francisco Co, kabilang sa mga sinala­kay ay ang Divisoria Market, na dito nasamsam ang may 40 kilo ng double dead na karne; Nepo St., at Paco market na nakuhanan ng tig 200 kilos ng hot meat.

Sinabi ni Co na ang pag­ka­kasamsam sa mga hot meat ay bunsod na rin ng ka­utusan ni Manila Mayor Alfredo Lim na paigtingin ang kampanya laban sa mga illegal slaughter, pagbebenta at pagpapasok ng mga karne sa mga pamilihan sa Maynila.

Aniya, kailangan nilang mag­higpit lalo na ngayon dahil papalapit na ang Christmas season kung saan dadagsa ang mga mamimili ng mga karne na kanilang ipangha­handa. Dahil dito, sinabi ni Co na posibleng matanggalan ng permit ang mga pamilihan na mahuhuling lumalabag sa ordinansa.

Matatandaan na mula Oktubre 31 hanggang Nob­yem­bre 6 ay umaabot sa 400 kilos din ang nasabat ng mga awtoridad sa Divisoria din. (Doris Franche)

DIVISORIA MARKET

DORIS FRANCHE

FRANCISCO CO

MANILA CITY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

NEPO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with