^

Metro

P66 ni-rollback sa kada tangke ng LPG

-

Matapos na magpatu­pad kahapon ang mga small players ng P1 rollback sa kada-kilo ng Li­quified Petroleum Gas (LPG), nag-tapyas naman ngayong araw (Miyer­kules) ang malalaking kompanya ng langis ng P6 sa kada-kilo o P66 sa kada-11 kg. tangke ng nasabing cooking gas.

Pasado alas-12 ng madaling-araw nang si­mulang magpatupad ng nasabing rollback ang Pili­ pinas Shell na agad na­mang sinundan ng Petron.

Nabatid na ang natata­masa ngayon ang patuloy na pagbaba sa presyo ng LPG ay bunga na rin ng patuloy na pagbulusok ng contract price nito sa pan­daigdigang merkado.

Ang mga small players naman na kinabibilangan ng LPG Marketers Association (LPGMA) ay may kabuuang P12 naman ang nai-tapyas na ng mga ito sa kanilang itinitindang LPG simula noong Ok­tubre 1 ng taong kasalu­kuyan kung saan may limang beses na ring nag-rollbcak ang mga ito.

Sa kabila naman ng sunud-sunod na rollback sa LPG, iginiit pa rin ng Energy­ Secretary Angelo Reyes na kulang pa rin ito at dapat ay agad na ipa­tupad ng mga dealers ang isang bagsakan P132 hanggang P191 big-time rollback sa presyo ng naturang cooking gas. (Rose Tamayo-Tesoro at Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

MARKETERS ASSOCIATION

MATAPOS

MIYER

NABATID

PASADO

PETROLEUM GAS

ROSE TAMAYO-TESORO

SECRETARY ANGELO REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with