Driver naglaslas; 'killer' inunahan

Pinaniniwalaang ‘hal­lu­cination’ lamang ang nagtulak sa isang 36-anyos na pedicab driver na maglaslas ng sariling leeg upang ma­unahan lamang ang sinasabi niyang papatay sa kaniya sa Binondo, Maynila ka­makalawa ng gabi.

Kasalukuyang nilala­patan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang bikti­mang si Alex Gumam­bao, may-asawa, ng #514 Asun­cion St., Binondo.

Sa ulat ni P/Supt Nelson Yabut, hepe ng Manila Police District-Station 11, dakong alas-11:45 ng gabi nang ti­nangka ng biktima na magpaka­ma­tay sa kanto ng San Fer­nando at Asuncion Sts., Bi­nondo.

Bago ang insidente, sina­sabi umano ng bik­tima sa mga kasama­han niyang pedicab driver na gusto na niyang tapusin ang ka­niyang buhay upang takasan ang prob­lema sa pamilya.

Dagdag pa rito, may nag­­tatangka umano sa kani­yang buhay na tiniti­yempuhan siya sa para­da­han ng pedicab su­balit wala umanong bi­na­bang­git kung sino. (Ludy Bermudo)

Show comments