Eskuwelahan ng Army, tinamaan ng kidlat, naabo

Naabo ang eskwelahan ng Phil. Army Academy makaraang tamaan ito ng malakas na boltahe ng kidlat, kahapon ng tanghali sa Makati City. Batay sa ulat, pasado alas-12 kahapon ng tanghali nang unang tamaan ng kidlat ang gusali ng nasabing eskwelahan. Bunga umano ng mataas na boltahe ng kidlat na tumama sa gusali ay lumikha ito ng apoy na naging ugat ng sunog. Dakong ala-1 naman ng hapon nang maapula ang nasabing sunog kung saan wala namang iniulat na na­saktan o nasawi sa nasabing insidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments