^

Metro

Kampanya vs hot meat, pinaigting

-

Higit na pinalakas ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang kampanya nito laban sa ma­pag­samantalang mga negos­yante na nagtitinda ng “hot meat” sa mga pampublikong pamilihan ng lungsod.

Dahil sa pagpasok ng Ka­paskuhan, tiniyak kahapon ni Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad na puspu­san na ang ginagawang pag­ba­bantay ng mga tauhan sa Pasay City Public Market para i-mo­nitor ang mga ibineben­tang karne sa palengke.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng Alkalde si City Vete­ri­narian chief, Dr. Ronald Ve­ na­sor na kumpiskahin ang mga “palusot” na karne na hindi dumaan sa slaughter house.

Magugunita na kamaka­ilan ay nakakumpiska ang mga ta­uhan ng City Veterinary Office ng 300 kilo ng double dead meat na ibinebenta sa murang halaga hanggang P70/kilo.

Nabatid na una ng binan­sagan ang Libertad Market ng Pasay City na “bagsakan” ng mga double dead na karne.            

Nanawagan naman ang dalawang opisyal sa mga re­sidente na makiisa sa kam­panya laban sa mga nagbe­benta ng hot meat na ipinalu­lusot ng mga tiwaling vendors. (Rose Tamayo-Tesoro)

CITY VETE

CITY VETERINARY OFFICE

DR. RONALD VE

LIBERTAD MARKET

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

PASAY CITY PUBLIC MARKET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with