Police major na nakapatay sa ex-con, sinibak

Sinibak na kahapon sa kanyang pwesto ang opisyal ng Pasay City Police na nakabaril kamakalawa sa isang barker na nakapatay naman sa kasamahang pulis ng una.

Nabatid na mula kahapon ay inalis na sa kanyang pwesto si Chief Inspector Joey Go­forth ng Station Investigation and Detective Division ng Pasay City Police upang masiguro umano na walang mangyayaring “white wash” sa isasagawang imbestigasyon ukol sa na­sabing insidente.

Magugunita na nabaril kamakalawa pasado alas-3 ng madaling-araw ni Goforth sa dibdib ang ex-convict na si Lito Tagalog dahilan upang masawi ang huli.

Bago ang insidente, unang napatay ni Tagalog noong Miyerkules ang kasamahang imbestigador ni Goforth na si PO3 Reynaldo Aguba.

Ayon naman sa pahayag ni Goforth na na­gawa lamang umano niyang barilin si Tagalog makaraang tangka nitong agawin ang baril ni SPO1 Joel Landicho na kasama nitong uma­resto sa huli. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments