^

Metro

Sekyu nagbaril sa bunganga

-

Patay na nang matagpuan ang isang security guard matapos na magbaril umano ito sa kanyang bunganga kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City. Subalit ayon kay Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Carlos de Sagun, tinitingnan pa ng kan­­yang mga tauhan kung may naganap na foul play sa pagka­matay ng biktimang si Virgilio Astorga, 40, residente ng Macabulos St., Bgy. Bangkal, Makati City.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang makitang naka­bulagta ang biktima sa tapat ng information desk sa lobby ng bina­bantayan establisimiyento na Camacho Hermanos Pines na nasa Umon St., Bgy. Highway-Hills, Mandaluyong City .

Nabatid na ang biktima ay natagpuan nang kanyang supervisor na si Gilbert Latajay na naghanap sa kanya matapos na hindi na mag-report matapos na magpaalam kumain ng tanghalian. Laking gulat na lamang umano ni Latajay ng makita si Astorga na uma­agos ang dugo mula sa bunganga at wala nang buhay habang ang service firearms nito na kalibre .38 ay nasa gawing paanan kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Ayon naman sa asawa ng biktima na nakilalang si Pamela Astorga, wala umano siyang alam na dahilan para magpakamatay ang asawa dahil maayos naman ang pagsasama nila bukod sa wala itong alam na kaaway na pwedeng gumawa nito. Wala ring nakuhang suicide note ang pulisya sa katawan ng biktima kaya mina­buting dalhin sa PNP crime laboratory ang bangkay nito para sumailalim sa autopsiya. (Edwin Balasa)

BGY

CAMACHO HERMANOS PINES

EDWIN BALASA

GILBERT LATAJAY

MACABULOS ST.

MAKATI CITY

MANDALUYONG CITY

PAMELA ASTORGA

POLICE P

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with