Blotter di namin itinatago - PNP

Hindi itinatago ng PNP ang blotter! Ito ang mariing paliwa­nag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Ni­canor Bartolome mata­pos na pumalag ang me­dia­men sa pagbabawal umano ng mga pulis sa mga himpilan ng pulisya na masilip ng mga reporter ang police blotter.

Sa press briefing sa Camp Crame, nilinaw ni Bartolome na hindi pagta­tago manapa’y mayroon lamang prosesong dapat sundin sa paglalabas ng police blotter. Ang nasa­bing dokumento ay nagsil­bing buhay na ng media­men sa mahabang pana­hong coverage sa PNP.

Binigyang diin ni Bar­to­lome alinsunod sa Me­mo­randum na ipinalabas ni PNP Chief Director Gene­ral Jesus Verzosa ay kaila­ ngan muna itong dumaan sa masusing proseso o ma­­suring mabuti ng mga kina­uukulang opisyal ng PNP bago masilip ng mga reporter.

“Kinakailangan lamang naman na magkaroon ng coordination yung media sa mga kailangan nilang makitang reports at hindi naman ipinagbabawal kundi kailangang ipagpa­alam lang nang sa gayon ay hindi naman sa lahat ay magkaroon ng problema,” ani Bartolome.

Ipinaliwanag ni Barto­lome na ito’y upang mabig­yang proteksyon ang mga sensitibong kaso at ang in­tegridad lalo na ng mga kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan gaya ng rape victim gayun­din ng mga suspect na di pa naman napapatu­na­yang tunay na nagka­sala sa anumang kaso.

Sinabi ni Bartolome ang nasabing Memoran­dum ay ipalabas ng PNP at ipinakalat sa mga him­pilan ng pulisya umpisa pa noong huling bahagi ng Oktubre bilang bahagi ng de­sentralisasyon ng traba­ho ng mga opisyal ng pu­lisya sa bawat himpilan kung saan ay iniutos rin ang pagtatalaga ng Spokes­man para magbigay ng impor­masyon sa media. (Joy Cantos)

Show comments