^

Metro

Libreng paaral ni SB sa street kids, extended

-

Extended ang pagkaka­loob ng libreng paaral ng Quezon City government sa may 350 batang lansangan.

Naglaan pa si QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte ng halagang P5 milyon para sa naturang programa kung saan ang isang batang lansangan ay tatanggap ng buwanang allowance na P1,500 sa loob ng 10 buwan bilang pang­gastos sa iba pang gastusin sa pag-aaral.

Ang Social Services Deve­lopment Department ng QC hall ang mangangasiwa sa programa kung saan hindi lamang ang mga batang lansangan ang makikinabang dito kundi pati na rin ang mga naabusong kabataan at mga kabataang may kaso.

“Importante ang pagba­balik ng mga kabataang ito sa paaralan,” pahayag ni Bel­monte kaalinsabay sa pagdi­riwang sa Children’s Month ngayong buwan.

Kasama sa benepisyaryo ng programang ito ang may 200 special children na naka-enrol na sa iba’t ibang special educational schools sa QC.

Una nang naglaan si Belmonte ng halagang P1.8 Milyon upang pondohan ang naturang scheme na na­ilunsad na noong Hulyo noong ginunita ang National Disability Prevention Week. (Angie dela Cruz)

ANG SOCIAL SERVICES DEVE

ANGIE

BELMONTE

CRUZ

HULYO

KASAMA

MAYOR FELICIANO

NATIONAL DISABILITY PREVENTION WEEK

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with