^

Metro

Balasahan sa chiefs of police, sinimulan

-

Tuluyan nang sini­bak ka­hapon sa kan­yang pwesto ni Southern Po­lice District (SPD) Di­rector Senior Supt. Jaime Calung­sod si Pasay City Police chief Senior Supt. Marietto Valerio dahil na rin sa pagiging over­­staying nito sa kanyang puwesto, ga­yundin sa kabiguang masawata ang krimen sa lungsod.

Ayon kay Calung­sod, paiiralin niya ang dala­wang taon lamang na panunungkulan ng chief of police sa anim na siyudad at isang bayan na kanyang na­sa­saku­pan kung kaya’t bago pa man sumapit ang Pasko ay tiyak aniyang mapa­palitan na lahat ng mga hepe na nakapag-lingkod na ng lagpas sa dala­wang taon.

Bukod kay Valerio na nanungkulan ng dala­wang taon at da­lawang buwan bilang hepe ng Pasay Police, nagsimula na ring ma­nungkulan kahapon bilang hepe ng Las Piñas Police si Senior Supt. Amando Clipton Empiso, kapalit ni Senior Supt. John Sosito na itinalaga sa head­quarters ng SPD.

Sa araw ng Lunes naman ang pormal na panunungkulan ni Senior Supt. Raul Petra­santa bilang bagong hepe ng Pasay, kapalit ni Valerio .

Una ng pinalitan sa puwesto noong naka­ra­ang buwan matapos ang mahigit anim na taong panunungkulan si Supt. Ronald Estilles bilang hepe ng Para­ñaque Police na sinun­dan ng pagkakasibak kina Supt. Alfred Corpus ng Taguig city police at Senior Supt. Alfredo Valdez ng Mun­­tin­lupa city police.

Si Valdez ang itina­lagang hepe ng Para­ñaque police, habang naupo naman si Senior Supt. Camilo Pancra­tius Cascolan sa Ta­guig at na­upo naman bilang OIC na Muntin­lupa si Supt. Michael Bisagas.

Sinabi ni Calungsod na bago sumapit ang Pasko ay matatapos na ang isinasagawa nilang pag-balasa sa mga hepe ng pulisya kung saan posibleng maapektuhan sina Senior Supt. Gilbert Cruz ng Makati police at Senior Supt. Alfredo Paje ng Pateros police. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALFRED CORPUS

ALFREDO PAJE

ALFREDO VALDEZ

AMANDO CLIPTON EMPISO

CAMILO PANCRA

POLICE

SENIOR

SENIOR SUPT

SHY

SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with