LRT station sa Bagong Barrio, malabo

Nanindigan kahapon si Light Railway Transit Authority (LRTA) Admi­nis­trator Melquiades Robles na hindi sila ma­kapagla­lagay ng istasyon ng train sa Bagong Barrio ng Ca­loocan City dahil malaki ang malulugi sa kanila kapag tinugunan ang hina­ing ng mga resi­dente sa naturang lugar.

Ayon kay Robles, lu­ma­bas sa ka­nilang pag-aaral na higit na malaki ang bulto ng mga pasa­hero sa Balin­tawak kum­para sa mga sumasakay sa Ba­gong Barrio kung kaya’t sa naturang lugar nila ilalagay ang isa sa tatlong train stations na mag-uugnay sa biyahe ng LRT at MRT. Bukod sa Balintawak station, naka­takda ring maglagay ng istasyon ang LRTA sa Roosevelt at isa sa North EDSA sa Trinoma na magsisilbi sa libu-libong pasahero. Sinabi ni Robles na umaabot sa P800 milyon ang ginagastos nila sa pag­pa­patayo ng bawat isang train stations kung kaya’t pinag-aaralan muna nilang mabuti ang bilang ng mga manana­kay sa isang lugar na tatayuan nila ng istasyon upang ma­tiyak na hindi sila malulugi. Batay aniya sa kanilang isinagawang pag-aaral, aabot sa P200 milyon ang malulugi sa kanila kapag isinulong pa ang pagtatayo ng isa pang train stations sa Bagong Barrio.

Sa kabila nito, ini­hayag ni Robles na kung ­ga­­gas­tusan ng lokal na pama­halaan ng lung­sod ng Caloocan ang ­pag­papatayo ng train station sa natu­rang lugar, maaari pa nila itong i-kunsidera upang mapag­silbihan din ang mga taga-Bagong Barrio.

Magugunita na sini­mu­lan na ng LRTA ang kons­truk­siyon ng limang kilo­metrong extension ng LRT line 1 na mag-uugnay sa MRT sa North Avenue, EDSA makara­ang mabig­yan ng per­miso ng Depart­ment of Public Works and High­ways (DPWH) at Me­tro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA). (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments